Galit
31 Oct 2009 5 Comments
(Sa aking paglalakad nakasalubong ko ang isang galit na paslit sa Blumentritt)

Dalawampu’t Apat na oras na walang tulog
At galit ang inihandog sa akin
Ng kinasasabikang agahan
Galit na nagsiklaban
Na tila posporong sinindihan
At walang pasubaling itinapon
Sa isang garapon ng damdamin
Ng naglalawang gasolina
Naguumapaw na naipong mga luha
Na pinilit lunukin at bumalot
Na parang semento sa pusong
Tuluyang napuno na ng poot
Na marahil tulad ko’y maglalaho
Isasama sa aking paglisan
Bitbit: isang asul na kamiseta
Isang pares ng pang ibaba
Isang libong piso
At isang lumang sipilyo
H’wag mo akong subukang hanapin
Hayaang pakawalan ang lihim
Ng isang galit na malalim












Nov 02, 2009 @ 07:58:50
You are not at ease with writing in Filipino, are you? A little more work on your syntax (let’s admit it, the Filipino syntax is difficult) and you’re perfect.
Mar 04, 2010 @ 06:57:06
pwede.. ^_^ galing mo GM_charm.
Oct 20, 2010 @ 17:51:03
I wish I know your language.
lovely image on top.
Oct 20, 2010 @ 17:51:08
http://jingleyanqiu.wordpress.com/2010/10/20/thursday-poets-rally-week-31-october-21-27/
I invite you to attend Thursday Poets Rally week 31.
sign in, link in a poem, visit and comment for 18 poets, get yourself known to the community….you are represented as a fresh poets to explore, can’t wait to have your talent shared with fellow poets.
let me know when you are ready.
r rock!
Feb 24, 2011 @ 03:54:25
Thanks for the comments! Sorry for the late reply, it’s only now that I’ve read them :c